17 November 2025
Calbayog City
Local

Eastern Visayas, nakapagtala ng 8 firecracker-related injuries; mahigit 300, sugatan sa mga aksidente sa kalsada

eastern visayas

Walong kaso ng firecracker-related injuries ang naitala ng Department of Health (DOH) Eastern Visayas habang mahigit limandaan ang na-ospital bunsod ng iba pang health emergencies sa gitna ng pagdiriwang ng holidays.

Ang mga nasugatan dahil sa mga paputok ay mula sa Padre Burgos at Maasin City sa Southern Leyte; Guiuan sa Eastern Samar; Tacloban City, Abuyog, at Barugo sa Leyte; at San Jorge sa Samar.

Nagtamo ang mga ito ng sugat sa mata at kamay matapos magsindi ng whistle bomb at kwitis, at gumamit ng lantaka, sa pagitan ng Dec. 23 hanggang 31.

Pawang mga lalaki ang biktima na labing isa hanggang apatnapung taong gulang.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).