NAITALA sa Eastern Visayas ang 3.4 percent na inflation rate noong Marso, na pinakamababang nai-record sa rehiyon sa nakalipas na anim na buwan.
Iniugnay ni Philippine Statistics Authority (PSA) Eastern Visayas Director Wilma Perante, ang downward trend sa mas mabilis na pababa sa bayarin sa bahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang fuel index sa 3.2 percent noong March 2024 ay mula sa annual decrease na 1.6 percent noong Pebrero.
Sa anim na probinsya sa rehiyon, ang Samar ang nakapagtala ng pinakamataas na inflation noong Marso na nasa 4.3 percent.
Sumunod ang Leyte, 3.7 percent; Biliran at Southern Leyte na kapwa nakapagtal ng 3.5 percent; Northern Samar, 2.5 percent; at Eastern Samar, 2.2 percent.