NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang ganap na batas ang Republic Act No. 11976 o Ease Of Paying Taxes Act.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inaasahang makapag-aambag ito sa 8-Point Socio-economic Agenda ng Administrasyong Marcos dahil sa mas mapagbubuting revenue collection.
Sa ilalim ng EOPT Law, pagbubutihin ang pagkulekta ng buwis at pagtitibayin pa ang karapatan ng mga taxpayer.
Inaasahan ang pagpapatupad ng streamlining sa sistema ng tax collection para mas magaan sa mga nagbabayad ng buwis.
Sa ilalim ng bagong batas, magpapatupad ng mga tax reform at update sa Philippine Taxation System.