13 February 2025
Calbayog City
National

DTI, pinaalalahanan ang mga negosyante na maging responsable matapos ang nag-viral na prank noong April Fool’s Day

Binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga may-ari ng negosyo na seryosohin ang kanilang license to operate kung ayaw nilang maparusahan.

Ito’y matapos aminin ng may-ari ng Takoyaki Store na si Carl Quion, na marketing stunt ang ginawa nitong prank noong April Fool’s Day, kasabwat ang isang lalaki na nagpa-tattoo sa noo.

Sinabi ni DTI Consumer Protection Group Head Assistant Secretary Amanda Nograles, na iniimbestigahan na ng ahensya ang kaso at posibleng patawan ng parusa ang business owner kapag napatunayan na mayroon itong nilabag na panuntunan.

Babala ng DTI, ang business name ay maring ma-revoke, ma-kansela, o ma-suspinde.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *