ISANG drug den ang nabuwag sa buy-bust operation na ikinasa sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency, sa Calbayog City.
Nasakote sa naturang operasyon ng pinagsabig na puwersa ng pdea at Catbalogan City Police ang nagmamantina ng drug den na kinilalang si Pamela Jane Berba at tatlo pa nitong kasabwat, sa Barangay San Pablo.
Kabilang sa mga narekober ng mga otoridad ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit isandaang libong piso, cellphone, at drug paraphernalias.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.