Sumuko kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang driver/bodyguard ng apat na Chinese nationals na dinukot at pinagnakawan umano ng mga pulis mula sa Southern Police District sa Parañaque City noong Sept. 2023.
Ayon kay Tulfo, inamin ni Michael Novecio na kasabwat at informant ito ng mga pulis sa naturang krimen.
Sinabi ng kongresista na dahil sa takot ay nagpatulong si Novecio sa kanya para sumuko kay Sta. Rosa, Laguna Cong. Dan Fernandez, Chairman ng House Committee on Public Order at Safety, na dumidinig sa naturang kaso sa Kamara.
Una nang nagpalabas si Fernandez ng warrant of arrest laban kay Novecio dahil sa patuloy nitong pagtanggi na sumipot sa kanilang pagdinig.