13 February 2025
Calbayog City
Entertainment

 Drag Performer Taylor Sheesh, na-trauma sa ‘Homophobic’ attack sa Pangasinan

TRAUMATIC para sa impersonator ni Taylor Swift na si Taylor Sheesh ang pag-atake sa kanya ng isa sa mga audience sa Kalutan Concert na ginanap sa Bayambang, Pangasinan, na lumalabas na act of homophobia.

Sa post sa X, sinabi ng drag performer na ang totoong pangalan ay John Mac Lane Coronel, na na-trauma siya sa nang sadyang iunat ng attacker ang kamay nito nang dumaan siya sa audience at tamaan siya sa leeg.

Inamin ni Sheesh na nanginig siya sa takot matapos ang insidente.

Humingi naman ng paumanhin kay Sheesh si Mayor Niña Jose-Quiambao, kasabay ng pagsasabing nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek, at binigyang diin na walang lugar sa Bayambang ang homophobia at physical abuse.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *