TINANGGAP ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang automated weather system na donasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at isinakatuparan sa pamamagitan ng a2d Project na isang non-government organization na nagsilbing implementing partner.
Pinili ng lalawigan ng Samar ang Calbayog City bilang isa sa recipients ng naturang proyekto, na nakatututok sa paglalagay ng automated weather station.
Present sa nabanggit na event si Dr. Sandro Daguman, Calbayog City Disaster Risk Reduction and Management Officer.
Ang pagtatayo ng automated weather station sa Barangay Cagbayang ay malaking tulong sa pagpapabuti ng kaligtasan at kahandaan sa komunidad.