21 June 2025
Calbayog City
Local

DOLE, sinuportahan ang Samar Tourism sa pamamagitan ng P3.5M na halaga ng financial assistance

TINIYAK ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang commitment na mananatili silang matatag na partner ng Provincial Government ng Samar sa economic development. 

Sa pagbisita ni DOLE Undersecretary for Legislative Liaison and Legal Affairs Cluster, Atty. Felipe Egargo Jr, sa lalawigan, sinabi nito na bilang pagpapakita ng suporta ay dinownload ng ahensya ang sa provincial government ang kabuuang 3.5 million pesos na halaga ng livelihood grants sa pitong  tourism workers associations sa Basey.

Aniya, ang mga livelihood project ay hindi lamang makatutulong sa mga miyembro ng asosasyon, kundi masusuportahan din nito ang hakbang ng lalawigan na mapalakas ang industriya ng turismo.

Idinagdag ng opisyal na bawat asosasyon ay makatatanggap ng 500,000 pesos na halaga ng livelihood assistance, para suportahan ang iba’t ibang income generating projects ng kani-kanilang grupo.

Ipinangako ni Egargo na magiging reliable partner ng Samar ang DOLE sa pagsusulong ng kapakanan ng mga manggagawa, at mapanatili ang makabuluhang pagsasama para sa kapakinabangan ng mga Samarnon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *