NAKAPAGTALA ang Department Of Health (DOH) ng 212 na mga bagong fireworks-related injuries simula Dec. 31 hanggang Jan. 2, kabilang ang unang kumpirmadong kaso ng tinamaan ng ligaw na bala at unang nasawi dahil sa paputok.
Ayon sa DOH, ang unang nasawi ay isang trenta’y otso anyos na lalaki mula sa Ilocos Region, na nagsindi ng sigarilyo habang nakikipag-inuman malapit sa imbakan ng mga paputok.
Idinagdag ng ahensya na 97 percent o 206 sa mga bagong kaso ay nangyari sa bahay at mga kalsada.
Halos kalahati rin ng mga kaso ay bunsod ng ligal na mga paputok.
Hanggang kahapon, araw ng martes, ay mayroon nang kabuuang 443 injuries, kabilang ang 441 dahil sa mga paputok, isa ang nakalunok ng watusi, at isa ang tinamaan ng ligaw na bala.