PINAALALAHANAN ng Department of Energy (DOE) ang publiko na mag-ingat upang maiwasan ang sunog at electrical hazards kapag iniwan nila ang kanilang bahay para magbakasyon sa ibang lugar ngayong Holy Week.
Sa statement, sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na bago bumiyahe, siguraduhin muna na na-inspeksyon ang electrical outlets, cords, at extension cords upang maiwasan ang panganib ng electrical hazards.
Tanggalin sa saksakan ang non-essential electrical devices, gaya ng telebisyon, computers, chargers, at maliliit na appliances kung matagal na mawawala sa bahay.
Samantala, hinimok din ng DOE Chief ang mga kumpanya ng langis na magbigay ng assistance sa mga motorista upang maging ligtas ang kanilang biyahe ngayong mahal na araw.