KASADO na in principle ang pagpasok ni Doc Rivers na nagdala sa Boston Celtics sa 2008 NBA title, sa Milwaukee Bucks bilang coach, ayon sa report ng ESPN.
Ang 62-year old na si River ay kasalukuyang nagta-trabaho sa ESPN bilang NBA commentator.
Nagpahinga si River sa pagko-coach makaraang sibakin siya ng Philadelphia 76ers kasunod ng playoff exit ng koponan mula sa mga kamay ng Celtics noong nakaraang mayo.
Una nang napaulat sa iba’t ibang US media outlet na target kunin ng Bucks si River matapos sibakin din ng team ang head coach na si Adrian Griffin.