18 May 2025
Calbayog City
National

DMW, nagbukas ng Help Desk para sa mga Pinoy sa Taiwan

dmw sa taiwan

NAGBUKAS ng Help Desk ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan na mangangailangan ng tulong kasunod ng pagtama ng malakas na lindol.

Maaari ding tumawag sa Help Desk ang mga pamilya sa Pilipinas ng mga OFW sa Taiwan kung nais nilang malaman ang kalagayan ng kanilang mahal sa buhay.

Para dito sa Pilipinas, mayroong itinalagang limang landline numbers at isang cellphone number bilang 24/7 Help Desk at Hotlines.

Maaari ding magpadala ng email sa repat@dmw.gov.ph

Nagtalaga din ng hotline para sa mga nasa Taipei, Kaohsiung, at Taichung.

Sa datos ng Taiwan Ministry of Labor mayroong mahigit 159,000 na pinoy sa Taiwan, sa nasabing bilang, 150,000 ang OFWs.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *