13 February 2025
Calbayog City
National

Distance learning, ipinatutupad ngayong Lunes sa mga pampublikong paaralan

IPINATUTUPAD ang asynchronous classes o distance learning modes sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa, ngayong Lunes, April 8.

Sa advisory, ipinaliwanag ng Department of Education (DepEd) na ang paglipat ng in-person classes sa distance learning ay upang payagan ang mga mag-aaral na makumpleto ang mga hindi pa tapos na assignments, projects, at iba pang requirements.

Nakasaad din sa abiso ng DepEd na hindi rin obligadong mag-report sa kani-kanilang istasyon ang mga teaching at non-teaching personnel.

Hindi naman saklaw ng naturang advisory ang mga pribadong paaralan, subalit mayroon silang option na magpatupad ng kaparehong set-up.

Ang April 8 ay susundan ng dalawang magkasunod na holidays na kinabibilangan ng Araw ng Kagitingan sa April 9 at Feast of Ramadan sa April 10.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *