24 June 2025
Calbayog City
Sports

Detroit guard Evan Fournier, pinagmulta ng NBA ng 25,000 dollars dahil sa pagsipa ng bola

evan fournier

Pinagmumulta ng NBA ng 25,000 dollars ang Detroit Pistons guard na si Evan Fournier matapos nitong sipain ang bola patungo sa spectator stands.

Pinarusahan ang 31-year old na Frenchman bunsod ng insidente na nangyari matapos ang home loss ng Pistons laban sa Miami Heat sa score na 104-101.

Dahil sa naturang pagkatalo, nalaglag ang Detroit sa 12-55, na ikalawa sa worst record sa NBA.

Si Fournier na nasa kanyang ika-labing dalawang taong kampanya sa NBA, ay napabilang sa Pistons noong nakaraang buwan dahil sa deal na nagdala kay Bojan Bogdanovic sa New York Knicks.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *