IBINUNYAG ni dating Senador Antonio Trillanes IV na mga retirado at aktibong matataas na opisyal ng PNP ang sangkot sa recruitment ng mga miyembro para sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa media briefing, isiniwalat ni Trillanes na sinisikap din ng PNP Officials na mag-recruit ng mga miyembro mula sa AFP.
Gayunman, base sa impormasyon, ay tukoy na aniya ang mga ito at nahihirapan nang gumalaw.
Ayon sa dating senador, wala pang miyembro ng AFP na sumali sa naturang ouster plot.
Bagaman tumanggi si Trillanes na direktang pangalanan ang kanyang sources, sinabi niya na marami siyang kaibigan sa army, at aktibo pa ang mga ito sa serbisyo, at nasa tamang posisyon para sabihin sa kanya ang impormasyon.
Itinuro rin ng dating mambabatas ang “Duterte Camp” na siyang nasa likod ng ouster plot.