KINONTRA ng Department of Education (DepEd) ang report tungkol sa dalawang guro na umano’y namatay bunsod ng heat stroke, sa pagsasabing “highly inaccurate and misleading” ang ulat.
Batay sa official records, sinabi ng DepEd na isa sa mga Teacher ang pumanaw noong Pebrero dahil sa hypertensive cardiovascular disease habang ang isa naman ay namatay noong Marso bunsod ng aneurysm.
Nasa kani-kanilang bahay din umano ang mga guro nang mangyari ang insidente.
Inilabas ng DepEd ang pahayag bilang tugon sa report ng Iloilo-based radio station tungkol sa dalawang Teachers na namatay sa heat stroke habang nagka-klase.