Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang pagbabago sa kasalukuyang School Year para sa unti-unting pagbabalik ng June to March School Year.
Iniurong ng DepEd ang pagtatapos ng School Year 2023-2024 sa May 31, 2024, habang ang bakasyon ay simula June 1 hanggang July 26.
Magsisimula naman ang School Year 2024-2025 sa July 29 at magtatapos sa May 16, 2025.
Sa kabila ng bagong schedule, tiniyak ng ahensya na hindi magkakaroon ng disruption sa pag-aaral ng mga bata.