22 April 2025
Calbayog City
National

Dengue cases sa bansa, bumaba

NABAWASAN ang bilang ng mga tinamaan ng dengue sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos ng ahensya, as of Feb. 23, mayroong 5,267 dengue cases na naitala, simula Jan. 28 hanggang Feb. 10.

Mas mababa ito kumpara sa 7,434 cases na naiulat, simula Jan. 14 hanggang Jan. 27.

Mayroon ding naitalang animnapu’t pitong nasawi simula Jan. 1 hanggang Feb. 10, na nagresulta sa case fatality rate na 0.32 percent.

Nilinaw naman ng DOH na posibleng mabago pa ang mga naturang pigura bunsod ng posibleng delayed consultations at reporting.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *