Na-deport na pabalik ng Amerika ang dating partner ni Pokwang na si Lee O’brian kasunod ng reklamo ng comedian na iligal itong nagta-trabaho sa Pilipinas.
Sinabi ni Pokwang na para naman sa ikabubuti nilang dalawa ang kanyang ginawa at para makapaghanap-buhay nang maayos si Lee at makapag-provide sila ng maayos para sa kanilang anak.
Ipinaliwanag ng komedyante na kung dito naman kasi sa Pilipinas ay hindi makakapag-trabaho ng maayos ang dating partner, kaya malabong masuporthan nito ang anak nila na si Malia.
Bagaman tuluyan nang tinuldukan ni Pokwang ang kabanata ng kanyang buhay na kasama si Lee, ay tiniyak niyang hindi niya ipagkakait sa dating partner ang kanilang anak.