27 March 2025
Calbayog City
National

Dating Pangulong Duterte ipina-subpoena matapos pagbantaan ang 1 Kongresista

INISYUHAN ng subpoena si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sagutin ang reklamong grave threat na isinampa laban sa kanya ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro.

Sa subpoena na inilabas ni Quezon City Senior Assistant Prosecutor Ulric Badiola, inaatasan ang dating Pangulo na magtungo sa Office of the City Prosecutor, sa Justice Cecilia Muñoz Palma Building, sa Elliptical Road, sa Dec. 4 at 11, parehong araw ng Lunes, alas dos y medya ng hapon.

Inatasan din si Duterte na magsumite ng kanyang counter-affidavit bilang tugon sa reklamo laban sa kanya ni Castro, kasama ang affidavits ng mga witness at iba pang supporting documents.

Nakasaad din sa subpoena na may petsang Oct. 27, 2023 na walang motion to dismiss na i-e-entertain at tanging counter-affidavit lamang ang tatanggapin.

Wala ring pagpapaliban na pagbibigyan, maliban na lamang kung karapat-dapat ang dahilan.

Ipinatawag din si Castro, kasama ang kanyang mga testigo, para pagtibayin ang “veracity” o katotohanan ng kanyang alegasyon na nakasaad sa kanilang mga salaysay.

Nag-ugat ang reklamo nang pagbantaan umano ni Duterte si Castro na papatayin sa isang programa na napanood sa national television at livestream sa online.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *