27 April 2025
Calbayog City
Local

Dating Guro, natagpuang nakagapos at walang buhay sa gilid ng kalsada, sa Leyte

DUGUAN at wala nang buhay nang matagpuan sa gilid ng kalsada ang isang dating guro, sa bayan ng Kananga, sa Leyte.

Nakagapos ang kwarenta’y dos anyos na biktima nang madiskubre ang bangkay nito, sa Barangay Libongao.

Una nang inaresto noong Pebrero ang biktima at isa nitong kasamahan matapos umanong makumpiskahan ng iligal na droga.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *