27 April 2025
Calbayog City
National

Dating Exec. Secretary Vic Rodriguez, hinimok si Pang. Marcos na sumailalim sa Credible Drug Test

HINIKAYAT ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sumailalim sa “Credible Hair Follicle Drug Test” upang matuldukan na ang mga alegasyon na illegal drug user ang punong ehekutibo.

Reaksyon ito ni Rodriguez sa sinabi ni Pangulong Marcos noong Enero na hindi nito kikilalanin ang mga tanong tungkol sa paggamit umano nito ng iligal na droga. 

Binigyang diin ng dating executive secretary na ang pagsagot ng pangulo sa mga tanong tungkol sa naturang isyu ay pakikinig sa panawagan ng mga Pilipino.

Idinagdag ni Rodriguez na kung walang tinatago ang pangulo ay simple lang naman ang kailangan nitong gawin,  at ito ay sumailalim sa credible drug test.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *