21 May 2025
Calbayog City
Entertainment

Dating Child Star na si Serena Dalrymple, isinilang na ang panganay na anak sa non-showbiz husband

Isinilang na ng dating Childstar na si Serena Dalrymple ang panganay na anak sa kanyang non-showbiz husband na si Thomas Bredillet.

Inanunsyo ng Darling of Local Showbiz noong 1990s at 2000s, ang magandang balita sa kanyang instagram account, kasabay ng pag-post ng litrato ng kanyang baby na nakahiga habang binabantayan ng kanyang mga alagang golden retriever at siberian husky.

Hindi naman isiniwalat ni Serena ang eksaktong petsa kung kailan niya isinilang ang kanyang baby, maging ang gender nito.

Si Serena ay naging active sa showbiz bilang child star hanggang sa magretiro siya noong 2005. 

Saglit naman siyang bumalik para lumabas sa 2010 film na “Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘’To!)” at sa isang episode ng 2015 talk show na “Kababayan Today.”

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *