TILA relate na relate si Daniel Padilla sa kantang “Hinahanap-Hanap Kita” ng bandang Rivermaya.
Hindi napigilan ni Daniel na mapamura nang ibahin nito ang ibang lyrics ng kanta, sa kanyang 29th birthday celebration sa tanauan, batangas noong linggo.
Inaliw ng aktor ang mga guest sa kanyang performance kasama ang isang banda, base sa mga video na ibinahagi sa social media ng isa sa mga dumalo na si Ted Padilla Evangelista.
Pero pinaka-tumatak sa mga nanood ay ang bersyon ng aktor ng kanta ng Rivermaya at binago ang lyrics na “sabay good night, walang kiss, sabay bye-bye.”
Bumirit pa si Daniel at dito na niya pinakawalan ang mura na idinagdag niya sa kanta.
Naintriga tuloy ang mga fans kung pinatutungkulan ba nito ang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo na nali-link ngayon kina Alden Richards at Jericho Rosales.