15 May 2025
Calbayog City
Entertainment

Daniel Padilla, nagdiwang ng kanyang early birthday kasama ang mga bata sa Child Haus

DINALAW ni Daniel Padilla ang mga bata sa  Center for Health Improvement & Life Development  o  Child Haus bilang early celebration sa kanyang nalalapit na birthday.

Sa social media port ng Star Magic handler na si Luz Bagalacasa, nagbigay ang aktor sa mga bata ng Child Haus ng regalo na dinonate ng kanyang malalapit na kaibigan at fans para sa isang memorable experience ng kanilang idolo.

Bukod kay Daniel na magtu-28 years old na ngayong linggo, kasama rin sa gift-giving activity ang kanyang pamangkin na si Jordan.

Sa mga nakalipas na interview, sinabi ni Daniel na nais niyang gugulin ang kanyang quality time kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *