DALAWANG Chinese Research Vessels ang na-detect na pakalat-kalat sa Philippine Rise sa silangan ng Luzon, batay sa ulat ng isang US Maritime Analyst.
Sa post sa X, sinabi ni dating US Air Force Official at Dating Defense Attache na si Ray Powell, na naglayag ang Chinese Vessels na Haiyang Dizhi Liuhao at Haiyang Dizhi Shihao mula sa Longque Island sa Guangzhou Province noong Feb. 26 at tinahak ang pasilangan-timog silangang direksyon sa pamamagitan ng Luzon Strait.
Base sa ipinakitang mapa, naglayag ang Chinese Vessels sa pagitan ng Basco, Batanes, at sa mga isla sa labas ng main island ng Luzon.
Inihayag ni Powell na as of March 1, pakalat-kalat ang dalawang chinese vessels sa silangan ng Luzon sa hilagang silangang sulok ng Benham o Philippine Rise, na nasa loob ng Philippine’s Exclusive Economic Zone.