NAGPATUPAD ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong unang Martes ng Abril.
Apatnapu’t limang sentimos ang idinagdag sa kada litro ng gasolina habang animnapung sentimos naman ang tinapyas sa diesel.
Binawasan din ng piso at limang sentimos ang kada litro ng kerosene o gaas.
Ayon sa Department of Energy, ang paggalaw ng presyo ay bunsod ng ongoing geopolitical conflicts at mas mababang exports ng OPEC countries.