21 May 2025
Calbayog City
National

Consumers na gumagamit ng sobra-sobrang tubig, makatatanggap ng warning mula sa MWSS

consumers

MAKATATANGGAP ng babala mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga consumer na gumagamit ng sobra-sobrang tubig, sa gitna ng nararanasang El Niño Phenomenon.

Sinabi ni MWSS Water and Sewerage Management Department Manager Patrick Dizon, na iimbestigahan nila ang biglang pagtaas sa residential bills. 

Aniya, kapag napatunayan na walang leak sa mga tubo ng tubig sa bahay ay wa-warningan nila ang consumer.

Magbibigay din aniya sila ng mga rekomendasyon kung paano makatitipid sa pagkonsumo ng tubig. 

Sa kasalukuyan ay nagpapatupad ang MWSS ng mahinang water pressure upang maiwasan ang water wastage, tuwing alas diyes ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *