INAASAHAN ng COMELEC ang pagdating sa bansa ng unang batch na nasa 20,000 units ng automated counting machines na gagamitin sa 2025 National at Local Elections sa Agosto.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, nasa “full speed” na sila ng kanilang paghahanda para sa susunod na halalan.
Aniya, dalawang linggo ang nakalipas mula nang simulan ng South Korean firm na Miru Systems ang pag-manufacture sa counting machines.
Idinagdag ng Poll Chief na bago matapos ang Disyembre ay maide-deliver na ang kabuuang 110,000 na nirentahang makina na gagamitin sa midterm election sa susunod na taon.