22 April 2025
Calbayog City
National

COMELEC, naglabas ng withdrawal form para sa mga nais bawiin ang mga lagda sa People’s Initiative

comelec

NAGLABAS ng Withdrawal Form ang Commission on Elections (COMELEC) para sa mga indibidwal na nais bawiin ang kanilang lagda sa petisyon para sa People’s Initiative. 

Kasunod ito ng pahayag ni Senator Ronald Dela Rosa sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation na may mga indibidwal ang nais na bawiin ang kanilang pirma para sa isinusulong na PI.

Inilabas ng COMELEC ang form na available na sa mga tanggapan ng Election Officer (EO) sa iba’t ibang bahagi ng bansa. 

Kailangan lamang itong sagutan at pirmahan at isumite din sa tanggapan ng EO.

Ayon sa COMELEC, ang withdrawal forms ay para sa recording purposes.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *