Hihirit ang COMELEC ng pondo sa ilalim ng 2025 National Budget para ipambayad sa school utilities na gagamitin sa midterm elections sa susunod na taon.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na magpo-propose sila ng budget para sa 2025 elections sa Department of Budget and Management, upang maisama ang ibabayad nila sa gagaming kuryente at tubig sa mga eskwelahan na nagsisilbing polling precincts.
Inihayag ni Garcia na ang kanilang panukala ay alinsunod sa kahilingan ni Vice President Sara Duterte na siya ring kalihim ng Department of Education.
Sakali naman na maaprubahan ang budget proposal, inamin ng poll chief na ang magiging problema lamang ay kung paano matutukoy ang halaga na kailangang ibayad ng COMELEC sa DepEd.