Aminado ang COMELEC na gipit na sila sa panahon kung isasagawa ng mas maaga sa May 2025 Midterm Elections ang plebisito na magraratipika sa panukalang amyendahan ang 1987 Constitution.
Ipinaliwanag ni COMELEC Chairman George Garcia na kailangan pa nilang paghandaan at bumili ng mga materyales na gagamitin sa plebisito, kaya malabong gawin ito bago matapos ang taon.
Inamin ni Garcia na kulang na kulang na sila sa oras para sa paghahanda sa dalawang eleksyon na nakakasa sa 2025, na kinabibilangan ng national at local sa Mayo, at Barangay at Sangguniang Kabataan sa Disyembre.
Ginawa ng poll chief ang pahayag makarang sabihin ng ilang miyembro ng Kamara na dapat gawin ang plebisito para sa Charter Change bago ang 2025 Midterm Elections, dahil hindi ito maaring isabay sa halalan.