18 March 2025
Calbayog City
Entertainment

Cherry Pie Picache naka-move on na sa breakup nila ni Edu Manzano

NAGSALITA na ang veteran actress na si Cherry Pie Picache tungkol sa kanyang personal na buhay, ilang buwan matapos kumalat ang tsismis na hiwalay na sila ni Edu Manzano.

Sa sidelines ng grand media conference ng pelikulang “Firefly” tinanong kung masaya ba ang kanyang puso ngayon.

Sinabi ni Cherry Pie na sa edad niya ngayon ay hindi na niya maaring iasa ang kanyang kaligayahan sa iba at dapat din ay buo o kumpleto siya kapag siya ay magmamahal muli.

Nilinaw naman ng aktres na mabuti silang magkaibigan ni Edu at patuloy nilang mamahalin ang isa’t isa, kasabay ng pagsasabing bukas pa rin siya sa paghahanap ng bagong pag-ibig.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *