Kinilala ng Coast Guard District Eastern Visayas (CGDEV) ang Coast Guard Station Western Samar at lima nitong personnel dahil sa kanilang epektibong Search And Rescue (SAR) efforts sa Buri Baras Beach, sa Barangay Estaka, sa Catbalogan Samar.
Pinangunahan ni District Commander, Coast Guard Commodore Romeo Pulido Jr. ang Recognition Ceremony sa Catbalogan City.
Pinagkalooban ang limang personnel ng “Coast Guard Search and Rescue Medal” bilang pagkilala sa kanilang matagumpay na pagliligtas sa dalawang taong gulang na bata na nasagip sa pamamagitan ng CPR.