24 June 2025
Calbayog City
Entertainment

Celine Dion, positibong makababalik sa entablado para magtanghal sa gitna ng iniindang auto immune disorder

celine dion

Positibo pa rin ang Pop Megastar na si Celine Dion na makababalik siya sa entablado sa gitna ng pinagdaraanang rare neurological disorder.

Ibinunyag ng singkwenta’y singko anyos na singer noong December 2022 na na-diagnose siya na mayroong stiff person syndrome, na nagdudulot ng paninigas ng kalamnan sa itaas na bahagi ng katawan, mga braso at binti, na may kasamang noise o emotional distress.

Sa kanyang post sa Instagram, sinabi ni Celine na sinisikap niyang paglabanan ang iniindang autoimmune disorder na isa aniya sa pinakamahirap na naranasan niya sa kanyang buhay.

Sa kabila aniya nito ay nananatili siyang determinado na isang araw ay makapagtatanghal siyang muli sa entablado at makababalik sa normal na pamumuhay.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *