20 May 2025
Calbayog City
Entertainment

Cannes Film Festival, nagbigay pugay sa yumaong aktres na si Jaclyn Jose

BINIGYANG pugay ng Cannes International Film Festival ang kanilang 2016 Best Actress na si Jaclyn Jose – ang kauna-unahang Pilipino sa Southeast Asia na nakasungkit ng award, para sa mahusay na pagganap sa pelikulang “Ma’ Rosa.” 

Sa social media post, ibinahagi ng cannes ang throwback photo ni Jaclyn habang hawak ang kanyang Chopard Trophy.

Nakasaad din sa post na nang mabalita ang pagpanaw ng aktres, ay binalikan ng Cannes Festival ang magandang ngiti ni Jaclyn na punong-puno ng emosyon, nang tanggapin nito ang Best Actress Award.

Tinalo ni Jaclyn ang mga noo’y frontrunners, gaya  nina Ruth Negga, Isabelle Huppert, Marion Cotillard, at Kristen Stewart.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *