20 May 2025
Calbayog City
Sports

Calvin Abueva, sinuspinde ng isang laro at pinagmulta ng P20,000 ng PBA 

calvin abueva

SINUSPINDE ni PBA Commissioner Willie Marcial ng isang laro si Magnolia forward Calvin Abueva matapos itong magtaas ng middle finger sa isang fan, sa laban ng Hotshots at Ginebra noong linggo.

Sinabi ni Marcial na bukod sa one game suspension ay pinagmulta rin niya si Abueva ng dalawampung libong piso.

Nagbigay din ng panibagong warning ang PBA Commissioner na dodoblehin nito ang parusa kapag inulit ng basketbolista ang kanyang ginawa.

Dahil dito, haharapin ng Magnolia ang NLEX Road Warriors sa Sabado, sa Ninoy Aquino Stadium, nang wala si Abueva.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *