15 February 2025
Calbayog City
Local

Calbayog Supersonic delegates, tumanggap ng words of encouragement bago sumabak sa EVRAA 2024 

PINALAKAS ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang loob ng Calbayog Supersonics delegates na sasabak sa Eastern Visayas Regional Athletics Association (EVRAA) 2024.

Nagpabaon ang Alkalde ng good luck at words of wisdom sa “Moment with Mayor Mon” na ginanap sa Calbayog City Sports Center.

Tumatak sa mga atleta at mga coach ang ibinigay na kumpiyansa at motivaton ni Mayor Mon para sa nalalapit na kompetisyon na magsisimula sa Mayo a-singko hanggang a-diyes.

Ang naturang event ay sumisimbolo sa pakikiisa at suporta ng lungsod sa kanilang mga kinatawan, kasabay ng pagsusulong ng mabuting pakikipagkaibigan at determinasyon sa pagsabak ng mga ito sa mundo ng palakasan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *