25 April 2025
Calbayog City
Local

Calbayog City, sisimulan na ang pagsasanay sa mga atletang sasabak sa Eastern Visayas Regional Sports Event

NAKIPAGPULONG si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa mga opisyal ng Department of Education sa lungsod para talakayin ang nalalapit na pagsasanay ng mga atleta sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) 2024.

Sumentro ang pulong sa pagpa-plano at paghahanda para sa training ng mga atleta at tiniyak na makatatanggap ang mga ito ng mga kinakailangang suporta at gabay upang maging mahusay na mga kinatawan ng Calbayog City sa regional sports event. 

Gaganapin ang kompetisyon sa Ormoc City, simula sa ika-sampu hanggang ika-labing lima ng Mayo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *