24 June 2025
Calbayog City
Local

Calbayog City, nasungkit ang makasaysayang Back-to-Back Win sa RSPC 2024

rspc

MULING nakamit ng Calbayog City Division ang Overall Champion sa Regional Schools Press Conference (RSPC) 2024.

Sa ilalim ng temang, “Aligning Campus Journalism with the Matatag Agenda: Breaking Down Barriers of Isolation, Indifference, and Mediocrity; Building Up Support for Inclusion, Collaboration, and Excellence,” labintatlong divisions sa buong Region 8 ang nagpaligsahan sa iba’t ibang kategorya na ginanap  sa Calbayog City noong May 1 hanggang 4.

Sa RSPC 2023 na ginanap sa Dolores, Eastern Samar, ang Calbayog Division ang itinanghal na overall champion, kaya ito naging back-to-back champion ngayong taon.

Ang kanilang tuloy-tuloy na tagumpay ay patunay ng kanilang dedikasyon na mapaghusay pa ang kanilang kakayahan na makasabay sa journalistic standards.

Napanalunan din ng Calbayog Division ang Most Disciplined Delegation.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *