Nagpatawag si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ng emergency meeting upang tugunan ang insidente ng sunog sa Barangay Himalandrog.
Pinag-usapan sa pulong na prayoridad na matiyak ang kaligatasan at kapakanan ng mga naapektuhang residente.
Binigyang diin din ni Mayor Mon ang kalahagahan ng pagbibigay ng family food packs para sa agarang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Nagsagawa na rin ng pangangalap ng datos upang ma-assess ang lawak ng pinsala at matukoy ang mga kinakailangang assistance.