NAG-DONATE ang Calbayog City Government ng dalawang computer sets sa Calbayog Arts and Design School of Eastern Visayas (CADSEV) sa Tomalon Estate, sa Barangay Gadgaran.
Pinangunahan ito ni Mayor Raymund “Monmon” Uy, kasama sina Vice Mayor Rex Daguman, at City Councilors Marc Celino Tan at Rosela Sumagang.
Sa pamamagitan ng naturang donasyon, tiyak na lalong mapagbubuti ng mga estudyante sa CADSEV ang kanilang pag-aaral.
Patunay din ito ng commitment ng lokal na pamahalaan para linangin ang husay at talino ng mga mag-aaral sa Calbayog City.