21 June 2025
Calbayog City
Local

Calbayog City at iba pang mga kalapit na lugar, makararanas ng power interruptions sa linggo

samelco power interruption

Nag-abiso ang SAMELCO Uno ng power interruption sa Linggo, March 10, simula ala sais ng umaga hangggang ala sais ng gabi.

Ito’y para bigyang daan ang annual preventive maintenance servicing ng 50mva NGCP transformer sa Calbayog substation.

Kabilang sa mga maaapektuhang lugar ang lahat ng barangay sa kahabaan ng Calbayog City, kabilang ang Tinambacan at Oquendo districts.

Samantala, mapuputol ng tatlumpung minuto, sa pagitan ng ala sais hanggang ala siyete ng umaga ang  supply ng kuryente sa kahabaan ng San Agustin substation para sa isolation, at panibagong tatlumpung minuto sa pagitan ng ala singko ng hapon hanggang ala sais ng gabi para naman sa normalization process.

Maaapektuhan nito ang mga barangay sa kahabaan ng mga munisipalidad ng Sta. Margarita, Gandara, San Jorge, Matuguinao, Pagsanghan, at Tarangnan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *