22 April 2025
Calbayog City
National

BuCor, tiniyak na may sapat na supply ng tubig para sa mga inmate

IPINAG-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. sa mga prison official na tiyaking sapat ang tubig para sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa lahat ng penal institutions sa buong bansa upang maiwasan ang dehydration sa gitna ng matinding init ng panahon.

Inatasan din ni Catapang si Senior Supt. Ma. Cecilia Villanueva, Acting Director for Health and Welfare Services at head ng New Bilibid Prison hospital, na magsagawa ng regular rounds para tingnan ang kalagayan ng mga PDLs.

Aminado ang BuCor Chief na siksikan sa mga kulungan at dahil sa matinding init na nararanasan ngayon, ang mga inmate aniya ang higit na apektado, kaya nais niyang matiyak ang estado ng kanilang kalusugan.

Pinayuhan din ang prison officials na panatilihin ang healthy lifestyle sa mga bilangguan at maging mapanuri sa mga senyales at sintomas ng mga sakit na nagsusulputan kapag tag-init. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *