28 April 2025
Calbayog City
National

Bilateral relations ng Pilipinas at Brazil palalakasin ni Pang. Marcos

TARGET ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin pa ang bilateral relations ng Pilipinas at Brazil. 

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa presentation of credentials ng bagong talagang Brazilian Ambassador-designate na si  Gilberto Fonseca Guimarães de Moura sa Palasyo ng Malakanyang. 

Ayon kay Marcos, isa ang Brazil sa pinakamahalagang partner ng Pilipinas pagdating sa  technical cooperation, agriculture, trade at investment, defense, at environmental protection mula nang maitatag ang diplomatic relations ng dalawang bansa noong 1946.

Sinuportahan din ni Pangulong Marcos ang hosting ng Brazil sa  30th Session of the Conference of the Parties (COP30) to the United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) sa 2025. 

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang commitment ng Pilipinas na suportahan ang principles ng United Nations at iba pang multilateral fora.

Bilang tugon, nangako naman ang  Brazilian ambassador na susuportahan ng kanilang bansa ang Pilipinas. 

Ipagdiriwang ng Pilipinas at Brazil ang ika-78 diplomatic relations sa Hulyo ngayong taon.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *