15 February 2025
Calbayog City
National

Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, bumaba noong Pebrero

pilipinong walang trabaho

Nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho kasabay ng paglobo ng employment noong Pebrero, dahil sa tumaas na demand sa trabaho bunsod ng pagbubukas ng mga klase at pagsisimula ng harvest season.

Sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, na bumaba sa 1.8 million ang bilang ng jobless persons, edad labing lima pataas, noong Pebrero mula sa 2.15 million noong Enero.

Ito na ang pinakamababang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho simula noong December 2023 nang maitala sa 1.6 million ang jobless adults.

Samantala, umakyat naman sa 48.95 million ang bilang ng employed individuals noong Pebrero mula sa 45.94 million noong Enero.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *