20 May 2025
Calbayog City
National

Bilang ng mga lalawigan na apektado ng El Niño, bumaba sa 41

Mula sa limampu ay bumaba sa apatnapu’t isa ang bilang ng mga lalawigan na apektado ng El Niño phenomenon.

Sa statement, sinabi ng task force El Niño na batay ito sa pinakahuling assessment na ginawa ng PAGASA.

Sa kabila ng pagbaba, inihayag ng task force na kailangan pa rin ipatupad ang mga paghahanda dahil posible pa ring magpatuloy ang strong at mature El Niño hanggang sa Mayo.

Kabilang sa mga nakararanas pa rin ng tagtuyot ay ang Apayao, Benguet, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Palawan, at Pangasinan.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *