27 April 2025
Calbayog City
Metro

Biktima ng ‘mail order bride’ na patungong China, naharang ng mga tauhan ng BI

mail order bride

Naharang ng immigration officers ang panibagong biktima ng mail order bride scheme na patungong China.

Ayon sa Bureau of Immigration, ineskortan ng trenta’y kwatro anyos na lalaking Chinese ang bente anyos na biktima sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Unang sinabi ng biktima na patungo siya sa Shenzhen kasama ang kanyang asawa.

Gayunman, naging kahina-hinala ang inakto ng suspek at biktima nang tanungin sila sa tungkol kanilang kasal kaya ini-refer ang dalawa sa probes officers.

Nabatid na bagaman genuine ang marriage certificate, inamin ng babae na walang nangyaring kasal at ang kanilang dokumento ay prinoseso ng kanyang Chinese escort na binayaran niya ng 45,000 pesos.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *