Umarangkada na ang panibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo, ngayong Martes.
Dalawang piso at walumpung sentimos (P2.80) ang itinaas sa kada litro ng gasolina.
Piso at tatlumpung sentimos (P1.30) naman ang nadagdag sa kada litro ng diesel habang apatnapu’t limang sentimos (P0.45) naman sa kerosene.